Truth about love

Ang Puno’t Dulo ng Pag-ibig
====================
Nakakatawa talaga ang love. Isa siyang napakalaking oxymoron. Lahat ng
pwede mong masabi sa kanya, baliktarin mo man ay totoo pa rin.
Ang labo diba? Pero ang linaw.
Masaya magmahal. Malungkot magmahal. Di mo naiintindihan pero
naiintindihan mo. Walang rason. Maraming rason. Di mo na kaya, pero kaya
mo pa rin. Masakit magmahal. Pero okey lang. Leche, ano ba talaga?!
May kaibigan ako, sabi niya dati “Love is only for stupid people.”
Nakakatawa kasi laude ang standing niya, pero dumating ang panahon,
na-in-love din ang hunghang. At ayun, tanga na siya ngayon. Lahat kasi ng
nahahawakan ng love nagiging oxymoron din. O kaya paminsan, nagiging moron
lang.
Hindi lang kasi basta baliktaran ang pa! g-ibig. Lahat ng bagay nababaligtad
din niya. Lahat ng malalakas na tao, humihina. Ang mayayabang,
nagpapakumbaba. Ang mga walang pakialam, nag iging Mother Teresa. Ang mga
henyo, nauubusan ng sagot. Ang malulungkot, sumasaya. Ang matitigas,
lumalambot. (At tumitigas din ang mga bagay na madalas nama’y malambot.)
Nakakatawa talaga. Lalo na kapag dumadating siya sa mga taong ayaw na
talaga magmahal. Napansin ko nga eh. Parang kung gusto mo lang ma-in-love
ulit, sabihin mo lang ang magic words na “Ayoko na ma-inlove!” biglang
WACHA! Ayan na siya. Nang-aasar. Magpapaasar ka naman.
Di ba nakakatawa rin na pagdating sa problema ng ibang tao, ang galing
galing mo? Pero pag problema mo na yung pinag-uusapan parang nawawalan ng
saysay lahat ng ipinayo mo dun sa namomroblemang tao? Naiisip mong wala
namang mali dun sa mga sinabi mo. Pero bakit parang wala ring tama?
Bali-baliktad din ang nasasabi ng ! mga taong tinamaan ng madugong pana ng
pag-ibig. “Ngayon ko lang nalaman ganito pala. Sabi ko na eh!” “Ang sarap
mabuhay. Pwede na ‘ko mamatay. Now na!”
At hindi lang ‘yon. Ang sarap din pagtawanan ng mga taong alam naman
nilang masasaktan lang sila eh magpapatihulog pa rin sa bangin ng
pag-ibig. Tapos pag luray-luray na yung puso nila, siyempre hindi sila
yung may kasalanan. Siya! “Bakit niya ‘ko sinaktan?” May kasama pang
pagsuntok sa pader yon at pagbabagsak ng pinto.
Hayop talaga.
Mauubos ang buong magdamag ko kakasabi ng mga bagay na nakakatawa pag pag-ibig na ang pinag-usapan. Ang daming beses ko na kasi siya
nakasalubong kaya masasabi ko nang eksperto na ‘ko. Pero wala pa rin akong alam.
Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang katotohanang kapag gustong
magpatawa ng pag-ibig, ipusta mo na lahat ng ari-arian mo dahil siguradong ikaw ang punch! line.
Nakakatawa no?
Nakakaiyak.


“Faults are thick where love is thin”

We Will Write a Custom Essay Specifically
For You For Only $13.90/page!


order now